- Resource Types
- Resource Languages
- Institutional Repository
About Site Language
WHDL is viewable in multiple languages. Use the pull-down menu to select a language to view the site.
I changed my language, but I’m still seeing resources in the other languages?
If a resource or text has not been translated into your selected language, it will appear in the initially added language. We are always looking for help translating these resources. If you can help, contact us!
WHDL - 00017879
Ang tawag ni Jesus na sumunod sa kanya ay hindi nagtatapos sa pananalig lamang sa kanya. Sa halip ito ay nagpapatuloy sa ating buhay sa kanyang simbahan. Ang pagiging kabahagi ng kanyang simbahan ay mahalagang hakbang sa patuloy na pagdidisipulo. Ang pananampalataya ay hindi lamang nagpapahayag ng ating pananalig kay Jesus, kundi gayon din ng ating pakikibahagi sa kanyang mga tao ang simbahan.
Ang simbahan ng Panginoon ay pangunahing nakikita sa lokal na simbahan. Ang lokal na simbahan ang nagsisilbing ating pangunahing tahanan para dito tayo maalagaan at lumago sa ating pananampalataya. Mahalaga ang tungkulin ng lokal na simbahan sa ating pagsunod kay Jesus.
Ang Church of the Nazarene ay isa sa mga sangay ng pangkalahatang simbahan ng Panginoon. Bawa’t simbahan ay may natatanging pagkakilanlan at mga katangian sa pananampalataya at pamumuhay. Iyong matutuklasan ang mga mahahalagang kaalaman patungkol sa Church of the Nazarene, mula sa kasaysayan natin hanggang sa mga natatanging pag-uugali natin. May apat na bahagi ang aklat na ito ng pagdidisipulo para sa mga bagong Nazarene:
1. Ang Ating Kasaysayan: Sino ba tayo?
2. Ang Ating Pananampalataya: Ano-ano ang ating mga paniniwala?
3. Ang Ating Pamamahala: Ano ang pamamaraan ng ating pamumuno?
4. Ang Ating Tipan ng Kristiyanong Pag-uugali: Papaano tayo namumuhay?
Malugod at may pagmamahal ang aming pagtanggap sa iyo bilang kapamilya. Hangad namin na tayong lahat ay maging pagpapala
sa isa’t isa. Halina at tuklasin ang iyong bagong pamilya na bahagi na iyong bagong buhay ngayon kay Cristo Jesus.
TALA: Ang mga nilalaman ng mga aralin dito ay isang saling sipi mula sa manwal ng Church of the Nazarene (Tingnan sa https://2017.
manual.nazarene.org/) at mga buod na bahagi ng “Banal Na Apoy: Ang Jubileong Kasaysayan ng Church of the Nazarene sa Pilipinas”
sa panulat nila Jason V. Hallig, Pangkalahatang Patnugot, Floyd T. Cunningham, at Ernesto N. Rulloda. Para sa mas detalyado at kumpletong kaalaman, hiwalay na basahin ang mga ito.